LYRIC


Ligaw Tingin Lyrics by Zildjian (PHL).

Ligaw Tingin Lyrics

Paro-paro sa aking tiyan
Naglalaro, ‘di mapigilan
Nauutal kahit ‘di ka kausap
Lumalayo kahit ‘di kaharap

Ooh, bakit ba hanggang dito lang ang
Dulo ng aking hakbang?
Lapitan ka’y malabo kaya hanggang

Nakaw tingin lamang ako
Pinagmamasadan ang bawat ikot mo
Ligaw tingin lang ba ako?
Bumabagal ang ikot ng aking mundo

Guni-guni ng aking isipan
Titig mo, inaabangan
Naiilang kahit ‘di ka kilala
Nagtatago kahit ‘di mo ‘ko kita

Ooh, bakit ba hanggang dito lang ang
Puso inaangkin ka?
Lapitan ka’y malabo kaya hanggang

Nakaw tingin lamang ako
Pinagmamasadan ang bawat ikot mo
Ligaw tingin lang ba ako?
Bumabagal ang ikot ng aking mundo

Kahit ako’y ‘di mo pansin
Patuloy kita mamahalin
Palihim kahit na ako’y

Nakaw tingin lamang ako
Ligaw tingin lang ba sa’yo?
Nakaw tingin lamang ako
Ligaw tingin na lang sa’yo


SONG INFO:

Song: Ligaw Tingin
Singer: Zildjian (PHL)



Added by

Alok Yadav

SHARE

ADVERTISEMENT

VIDEO